read.cash Log in
@Yen more from that month

Naranasan nyo ba bumili tapos nakita nyo na hindi pala malinis yung pagkain? Nagkaroon ako ng karanasan na ganito nung bibili sana ako ng ihaw ihaw. Bumibili talaga ako doon sa twing nagcacrave at hindi naman sumasakit yung tyan ko o kung ano. Edi ayun nga binuksan ko na yung lalagyan. Sinipat kong maigi yung betamax at may nakita kong kulay puti. Tinitigan ko bes at itlog ng langaw pala yon. Bigla akong napa atras. Papunta na yung tindera pero syempre nakita ko ng ganun syempre hindi na ako bibili. Tinanong ng tindera ano daw bibilin ko , sabi ko hindi na ako bibili pero bago ako umalis tinuro ko sa kanya yung betamax na may Itlog ng langaw. Parang napahiya din sya at sabi hindi daw natakpan ng mabuti. Pano kaya kung gabi ako bumili non? For sure sa labo ng mata ko hindi ko makikita yon.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.