Paano nga ba kalimutan yung isang taong naging parte ng iyong nakaraan? Paano nga ba kalimutan yung unang pag ibig na sa kanya mo naramdaman? Paano nga ba kalimutan yung taong gusto mong makasama habang buhay. Paano nga ba kalimutan yung taong nawala na ng tuluyan? Madami akong tanong sa aking isipan. Mga tanong na hindi ko padin alam yung kasagutan. Madami akong panalangin na tanging ako lamang ang nakakaalam. Mga panalangin na hindi ko alam kung may katuparan. Ngunit kahit ano man ang mangyari. Kung masagot man o hindi. Kung matupad man o hindi. Itutuloy ko padin ang buhay hanggang sa masabi kong kaya ko ng magmahal muli
1 comment
Go with the flow lng po.. Mahahanap mu din mga kasagutan sa mga tanong mu,sa tamang panahon .