Nissin Creamy Seafood Instant Noodles. Mirienda ko ulit haha. Nilagyan ko ng kanin kasi yung mga bata makikisalo sakin , hindi pwedeng hindi hehe. Kaya ayun dinadaya ko , mas more on kanin kesa noodles kasi hindi sila pwede sa noodles masyado. Nagmimirienda na kami kanina e , kaso yung richoco Lang. Apat na piraso saka gatas kaso parang hindi pa ako busog. Hindi naman ako pwede magkape kasi hihintayin ko pa yung asawa ko umuwi galing trabaho para sabay kami. Kaya ayan. Napaluto ako kasi wala na ibang pagkain dito bukod dun sa loaf bread at mga foods ng anak ko. Wala man din nagtitinda ng mirienda dito malapit samin. At kung meron man katamad padin umahon 😂
No comments yet