Done watching escape room 2019. At first ayaw ko panuorin kasi hindi nga ako mahilig sa English movie pero dahil sa asawa ko nakakanuod ako haha. Nagtampo pa yung asawa ko kasi mukang hindi daw ako interesado kaya pinanunuod ko na at ayun halos nakanganga na ako dahil sa mga eksena 😂 Ang galing kasi nung mga gumawa e , bakit kaya nila naiisip yung ganon mga genre ng movie no? Ang ending e gusto ko pa manuod ng part 2 hahaha. Nabitin pa e. Lesson: Don't close your door sa mga bagay na nakasanayan mo kasi malawak ang mundo at madami kapang makikitang magagandang bagay hehe
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Hahaha. Naalala ko tuloy si hubby sis na minsan pag bored ako nag hahanap ako ng mapapanood na mga kdrama, tapos pag wala akong makita na feeling ko magustuhan ko, sasabihin ko kay hubby na " wala na akong mapanood huhuhu ano gagawin ko?. Sabi naman nya ang dami pa nyan oh tignan mo, sabi ko naman napanood ko na ang episode one mga ito mga pangit napapangitan ako. Sagot naman nya wag ka mag judge agad sa episode one pa lang, panoorin mo muna hanggang two or three episode bago ka mag judge kasi minsan pag unang episode pangit talaga yan tapos maganda pala. So ayun na nga sis sinunod ko sya at ayun nga tama sya hahahha. Dami ko nagustuhan sa mga iniwan ko dati kasi nga napapangitan ako sa unang episode. Daldal ko nuh ang haba na nito hahahaha. Pasensya sis
nice movie.. watched that movie with my grandkids.. we enjoyed it.. tama.. hanging lang ang ending.. kaw nlng mag isip kung ano gusto mong mangyari sa kanila.. hehe