How to make banana cake? Ito po ay aking budget friendly recipe at kung ano lang yung available sa kusina 😅 Ang ingredients na ginamit ko ay 1 cup cake flour , 1 tablespoon baking powder , 1 pc egg , 2 pcs banana , yung sugar tanchahin nyo nalang depende sa tamis na gusto nyo. Sa gatas pede kayo gumamit na evap or condensed pero dito powdered milk ginamit ko. Paghalu haluin Lang ang mga sangkap tapos lagyan tubig at kapag okay na pwede na ilagay sa baking pan . In my case , sa kaldero ko to niluto. Mga 1 hour sya nakasalang sa loob ng kaldero sa mahinang apoy. Paano malalaman Kung luto na? Tusukin nyo sya ng toothpick. Kapag walang nakadikit sa toothpick it means luto na 😄 Ganon Lang po 🙉
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet