Tutubi tutubi wag kang magpahuli sa batang mapanghi. Umihi kagabi 😂 Iyan yung kanta namin nung mga Bata pa kami sa twing naghuhuli ng tutubi yung kalaro namin. Parte ng pagkabata namin yung maghuli ng tutubi, yung tipong lapot na lapot kana sa pawis dahil sa init ng araw para Lang makahuli. Tapos ginagawa namin nilalagyan namin ng bulaklak ng santan sa buntot o kaya puputulin ng pakpak para hindi makalipad. May kalokohan pa kami dati noon , ipapakagat yung dede mo para lumaki daw agad. Fake news pala yon haha. Di naman lumaki e 😂 Pero sabi nila yung tutubi daw ay Isa sa mga senyales maayos pa daw ang ecosystem sa isang lugar.
2 comments
Ay ngaun ko lng nalaman ung sa dede madam, sayang natry ko sana🤣🤣🤣habol pa kya ngaun🤣🤣🤣
hehehhe ngaun ko lng nalamn n my kanta yan..hehe