Nanunuod ba kayo ng KMJS ngayon? Interview ni Rudy Baldwin tungkol sa mga pangitain? Nagsabi sya ng pitong pangitain na nakikita nya bago matapos ang taon at isa na dun yung paglindol ng Malakas. Yung nauna nyang mga pangitain tungkol sa sunog sa raon , lindol sa batangas at baha sa bataan ay nagkatotoo . Maaaring nagkataon lamang tulad nung sinasabi nila pero yung iba naniniwala din na may kakayahan talaga syang makita yung hinaharap. Kayo naniniwala ba kayo na pwedeng makita ng isang tao yung hinaharap? Sabi kasi ng pastor namin dati may nabibiyayaan daw NG gift of prophecy and may mga nagpatotoo nadin. Yung iba sa dreams nila nakikita tapos nagkakatotoo o kaya kapag nakita Lang nila yung tao o lugar. Pero ako personally , wala naman masama kung maniwala basta palagi Lang tayong mananalangin na yung will nya masusunod at hingin natin yung pag iingat nya sa anumang sakuna na haharapin natin.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Nkakakilabot tlga mga pangitain nya. . Oi pla nagbibigay dn sya ng numbers at dami na nanalo sa lotto dun
Totoo yan. Dapat tapat yung pananampalataya talaga. Prayer is the key. Wala masama sa maniwala pero wag mabuhay sa takot ng hinaharap.