Simula nung nawalan ako ng panlasa last April naging part na ng daily routine ko yung maglagay ng lemon sa tubig ko. Minsan pinipiga ko at nilalagyan ng sugar pero sinasama ko pa din yung mismong pinakatasan hehe. Nawalan ako ng panlasa because of sinusitis hindi dahil sa covid ah 😂 Hanggang ngayon minsan nawawalan padin pero hindi katulad ng dati na halos isang linggo. Usually nakakaapekto yung stress kung bakit nakakaramdam ako ng kung ano ano. Dahil sa stress bumababa yung immune system ko kaya ayan sinasama ko na yung lemon sa diet ko para sa daily dose of vitamin C and alam naman nating lahat na madaming health benefits yung lemon sa body natin. Good thing wais yung asawa ko , lagi nyang inaabangan yung sale ng lemon sa pinagtatrabahuhan ng supermarket para makatipid hihi.
5 comments
Tampa sexy paraw yang ganyan eh.. True ba,? 😂
Akala ko madam about sa gitara ang post mo, un kasi amg una kong napansin
Tama Mamsh! maganda talaga yang lemon sa body natin
Lemon cucumber din water ko. Para lumiit tyan ko nag dodoble na hahaha
Yes po super laking help niyan sa ating kalusugan mam. At tsma mahal ang ganyan na prutas e hehe kaya kalamansi nanlang sa akin hehe