read.cash Log in
@Yen more from that month

“Ang mahalaga ay nabubuhay ka.”Sabi sa Hey Jay. ‘Di ba ang ganda ng mensahe na nais iparating ng kanta? Kasi ‘pag wala na, wala na. Kapag tapos na, tapos na. Iisa lang ang buhay natin. At sa buhay na ito walang perpekto. Bubuhusan tayo ng galit, at panghuhusga ng mundo.Dahil saan? Dahil sa hindi sila ayon kung saan ka sasaya? Sarado ang pagtanggap. Pero kung narinig mo ang kanta hindi mo malilimutan ang linyang “Isip-isipin mo lang na may nagmamahal sa iyo.” Sa kabila ng lahat, may mga tao kang makikilala na tatanggapin at mamahalin ka kung sino ka ng buong-buo. Hindi mo kailangan ng validation ng iba na hindi ka naman nauunawaan. Everything’s gonna be okay, maniwala ka. - Elytista Lines.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.