"Wala namang saysay pagtalunan yung mga bagay na Hindi na mababago pa." - Agree ba kayo doon? Ako oo minsan guilty ako kasi binabalikan ko lagi yung nakaraan. Minsan ang dami kong what it's na kung tutuusin hindi na din naman mababago at magiging stress ka lang kakaisip. Yung mga maling desisyon na ginawa mo sa buhay. Yung mga maling tao na hinayaan mong saktan ka. Yung mga opportunity na pinalagpas mo at marami pang iba. Sabi nga ni Bea sa The second chance , dapat kalimutan na yung what ifs instead dapat what is nalang. Let's look forward and be better.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet