Magandang umaga sa lahat. Salamat nga pala sa mga komento sa ginawa kong article kagabi. Ang totoo hindi ko inaasahan makatanggap ng mga ganitong komento dahil sabi ko nga sa dulo ng article ko , diko nga alam kung may saysay yung ginawa ko 😂 Ako yung tipo ng tao na hindi sanay sa compliment , ewan ko ba. Kapag may pumupuri sakin e nahihiya ako. Nung nag aaral pako ganon e. Ayaw ko na nasakin atensyon ng mga kaklase ko. Kahit nung nagtatrabaho nako ganon din. Yun din siguro yung dahil kung bakit gusto ko Lang mamuhay ng simpleng pamumuhay. Hindi nga sila naniniwala sakin kapag sinabi ko na ayaw kong yumaman 😂 Gusto ko naman syempre pero low-key lifestyle padin ganern. Ayoko ng malaking bahay kasi madami akong lilinisin. Ayoko din maghihire ng katulong kasi hindi ako sanay nag uutos sa kapwa ko. Bakit napunta sa pagyaman usapan haha.
2 comments
Mamaya pa ako nakita ko nga tagalog nga gamit mo 🤣
Haha.. Nkakaboost naman tlga ng isip.ang prompts na song titles haha..