Rainy season is not same for all. After ko mabasa to , oo nga. Eto talaga yung reality. Maaaring nakikita natin yung iba na napapa #Bedweather or nagpopost ng mga pagkain na masarap kainin dahil naulan tulad ng champorado o kaya sopas pero sa kabilang banda naisip ko din na paano nga yung ibang tao tulad nung nasa picture na ito . Yung walang maayos na tirahan at tumutulo Yung bubong. Yung mga areaa na binabaha at yung mga tao na hindi makapagtrabaho kasi nga umuulan. Naalala ko tuloy dati tumutulo yung bubong namin. Yung tipong hindi ka makatulog ng mahimbing sa gabi kapag bumabagyo kasi may takot ka dahil alam mong hindi matibay yung bubong nyo. Hanggang ngayon naman may tumutulo padin sa bubong namin sa bandang kusina kaya nga inalis ko yung mga gamit don Kasi mababasa at naglagay ako na palanggana para hindi bumaha. Sira kasi yung pamakuan. Naalala ko din yung mga homeless people , sa lamig ng panahon wala silang maayos na masisilungan at mahihigaan at hindi nila masasabi yung #bedweather na iyan. Kaya maswerte tayo kasi nasasabi natin yung bedweather kasi may maayos tayong tulugan.
1 comment
Yan ung sad reality ng buhay natin lalo na sa pinas