read.cash Log in
@Yen more from that month

Wala na syang gatas ☹️ So kanina sabi ng pamangkin ko , Mama dedede ako. Edi pumunta ako ng kusina para pagtimpla sya at ito yung naabutan ko. Wala ng laman yung lalagyan nya ng gatas. Aware naman yung Mommy nya na wala ng gatas yung anak nya e kaso siguro wala ng pambili at hindi pa nakakawithdraw dahil sweldo nya kahapon e. Nung isang araw din ganon kaya yung dinede ng pamangkin ko e yung chocolate drink ng anak ko. Kalimutan kapag kinakapos sya sa budget e manghihiram yon sakin , Ate pahiram nga muna sa sweldo ko nalang bayaran pero ngayon parang nahiya kasi ako nagpakarga ng gasul at ako din nag abono sa pambayad nung pinagawa nyang motor. Single mom kasi yung kapatid ko at sya Lang sumusuporta sa anak nya. Bilang tulong ako na nag aalaga kahit walang sweldo , nagbibigay nalang sya 2k per month para pandagdag sa budget . Hindi naman sya nagsabi na walang gatas para kahit papano nakabili kanina kahit yung maliit na pack.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.