read.cash Log in
@Yen more from that month

Minsan kahit sa simpleng bagay natitriger yung anxiety ko. Hindi ko kasi naayos yung hose at nakakalat Lang sya sa lapag tapos nakita ni Papa at bigla nalang nyang sinabi na bakit daw puro kalat. Nag umpisa na kong mawala sa mood at umiyak sa kwarto , hindi na nga ako nakakain ng hapunan kahit nagugutom ako. Bakit kaya ganon no? Sa kabila ng lahat ng ginagawa mong tama , yung hindi mo padin nagawa yung napapansin like hello! Ako yung naiiwan sa bahay , ako yung umako sa lahat ng gampanin ni Mama , pinipilit ko na gawin yung mga bagay na hindi ko nakasanayan kasi kailangan. Yung kung tutuusin wala naman akong problema sa buhay ko pero bakit ako kung kailangan mamroblema sa mga problema nila. Yung minsan iniisip ko nalang na bumukod pero sila padin yung iniisip ko. Sino mag aalaga sa pamangkin ko ? Sino makakasama ni Papa kapag wala na kami dito..Yung simpleng pagpuna nya sa hose na yun biglang natriggered lahat ng isipin ko.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.