read.cash Log in
@Yen more from that month

A sunny weekend everyone 🌞 Sa wakas nagpakita na si haring araw. Nandito kami ngayon sa likod ng bahay habang nagkakape , dito sa silong ng puno ng munti naming bayabas. As you can see , may tanim din kaming saging na tindulan. May ampalaya din na namumunga na at talong din na nagulat ako kasi pwede na namin anihin yung bunga. Meron din kaming alugbati at talbos ng kote sa paligid at saka malunggay kaso pinulak ni Papa kasi ang tayog na. At saka pala Papaya kaso lalaki yata , hindi kasi namumunga. Maliit Lang tong bakuran namin pero kahit papaano nakakapagtanim kami ng konting gulay. Sana magtuloy tuloy na yung sikat ng araw kasi naglaba kapatid ko ngayon. Wala syang sasampayan dahil nakasampay pa mga damit namin.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.