Our ulam for today . Tiim na bangus ♥️ Gusto ko sana ng lechong kawali na paksiw ngayong araw kasi nagcrave na naman ako sa mga combination ng lasa na matamis , maasim at maalat. Bibili na sana ako ng frozen liempo dito malapit samin kaso pag ahon ko nakakita ako ng nagtitinda ng bangus 😂 E dahil naulan at nakajacket Lang ako , ginusto ko nalang bumili ng bangus para di na ako maglakad pa haha. Sabi ko masarap sana isabaw sa bayabas kaso wala din naman bayabas. Kaya ayon tiim nalang niluto ko. Sakto may kalamansi pa kami dito , tira yon nung bumili ako ng sangkap pang sinuglaw nung Sunday. Tanda nyo pa ? Haha. Edi kesa mabulok. Nag isip nalang ako ng luto na pwede lagyan ng kalamansi. Kayo? Anong ulam nyo?
1 comment
Ang sarap naman po this Mamsh beke neeemen