Napag iwanan ka ba sa tuktok? Wag kang mag alala, MARAMI KAYO! :p But seriously, ito ang delikado kapag na-FOMO kayo. Ano ba ang FOMO? Fear of missing out, ang isa sa mga delikadong gawin kapag nagtetrade ka kasi feeling mo napag iiwanan ka na at ikaw na lang ang hindi pa nakasakay. Sa mga ganitong galawan ng market na patuloy ang pagtaas, tandaan mo ang mga salitang PSYCHOLOGICAL RESISTANCE. Yung mga stocks/coins na nagsisiliparan at nagkakaroon ng all time high, ginagawan ng mga traders yan ng imaginary resistance kung saan tingin nila doon mabubungo ang prices. Kadalasan, by 5 (5,10,15,20..) or by 10 (10,20,30,40..) ang counting nito. Kadalasan din, wholenumber ito. Why? Kasi easier yun sa mga traders mag lagay ng number na whole number ang ilalagay nila and walang butal-butal. Mas madali nga kasing magtype ng 6000 kesa sa 6132. Maaring lumagpas sya ng konti jan so observe mo lang, pero usually, babalik at babalik pa rin jan. So next time kapag nagtetrade ka and malapit na syang umabot sa psychological resistance nya, sell ka na pakonti konti kung madami position mo (spot). Bili ka naman pakonti konti para masabayan mo pagbagsak nya dahil na FOMO na yung iba (future). and wag mong sasabayan kung patuloy ang pag lipad nya. Walang ganun boss! Be patient enough na maghintay na mapagod sya at bumaba ang presyo. Saka mo pasukin. Again, BUY LOW, SELL HIGH. Ctto
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet