Nakita ko Lang to sa FB at nacurious kung saan. Nagbasa ako ng comment at nalaman ko na vaccination site pala ito. Grabe no? Kung titingnan mabuti nakaface shield nga sila pero nakataas naman. Tapos dikit dikit. Akala ko nga kanina kuhanan ng ayuda e. Palagi natin sinasabi na sana matapos na tong covid pero paano nga ba matatapos kung hindi naman tayo sumunod. Para yung sulat ka ng sulat ng new years resolution mo twing bagong taon for the sake of writing it pero hindi mo naman sinasapuso at hindi mo naman ginagawa. Haysss. Medyo palagay yung loob ko kasi nasa probinsya kami at andito Lang sa bahay pero may mga kapatid din ako sa Manila at pati yung Papa ko na senior na nakakameet ng Tao lagi kasi mekaniko sya. Kahit kami kampante dito , iniisip ko padin sila
1 comment
Ay ano ba yan, san lugar kaya sis? Ganyan na ba karami ang gustong magpabakuna at parang may tulakan ng ngyayari?