Kaninang umaga nag iisip ako ng pwedeng ulamin kasi umuulan , hindi ako makapunta sa bilihan ng ulam. Naisip ko nalang bumili ng dilis kasi parang masarap kasi naulan. May kamatis pa kami dito kaya umandar na naman pagkawirdo ko sa kusina. Naggisa ako ng kamatis saka ko hinalo yung dilis at hotdog haha. Pagdating ng asawa ko , hinainan ko na sya at bumalik nako sa pagbabanlaw. Sabi nya Ang sarap love. Nasarapan sa luto kong weird 😂 Pagbalik ko sa kanila mauubos na nya kung sinangag na dapat sana para sa aming dalawa. So ayun , nagsaing pa ako at katatapos ko lang kumain . Kumain ako habang nagdadryer para multitasking hihi. Pahinga lang saglit tapos maliligo na kami ng mga bata. At sa wakas , makakapagpahinga na ako 💪
2 comments
Ang sarap naman po niyan ate yen baka pwedeng makahingi meron paba ?😍💚
Bago yan ah my hotdog pa hehe