read.cash Log in
@Yen more from that month

May tanong ako mga momsh! Okay Lang ba na bilhan ko si anak ng ganitong toys kasi lalaki sya? Iyak kasi sya ng iyak kasi inaagaw nya sa pinsan nya itong toys kasi nga gusto nya din magluto luto kunwari. Gusto ko syang bilhan talaga kasi nga love nya magpretend na nagluluto luto kasi nakikita nya sa akin dahil sinasama ko sya nagluluto ng pancakes or yung no bake cake ko. Pinanunuod nya ko kung paano ko paghalu haluin yung sangkad kaya talaga namang expose sya sa kusina. Kaso kasi sabi nila pambabae daw to. Pastel colors kasi. Usually kasi nilalaro ng mga boys e cars or baril , naglalaro din naman sya ng cars pero hindi madalas kasi more on gusto nya mga leggo and puzzles na napapanuod nya sa YouTube. Enlighten nyo naman ako huhu. Ano na tingin nyo?

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.