read.cash Log in
@Yen more from that month

Huwag kang maghanap ng babaeng laging blooming. Hanapin mo yung babaeng di takot magmukang haggard. Haggard kakalinis ng bahay nila, ng sala o ng kusina. Huwag kang maghanap ng babaeng makinis. Hanapin mo yung may konting paso mula sa kaldero ng sinaing niya o kaya mula sa kalan dahil nagluluto siya ng ulam nila. Huwag mong hanapin yung babaeng malambot ang kamay, hanapin mo yung medyo magaspang dahil sa sabon na ginagamit niya panlaba o kaya sa dishwashing liquid na ginagamit niya panghugas ng mga plato sa bahay nila. Humanap ka ng babaeng masipag. Yung handa kang pagsilbihan. Yung may alam sa buhay at higit sa lahat tutulungan ka para maabot yung mga pangarap mo. At susuportahan ka sa mga bagay na ginagawa mo

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.