Huminto ng kaunti yung ulan. Sakto at katatapos ko Lang magpaikot sa washing. Nairaos namin yung pananghalian na Itlog at meatloaf ang ulam. Sabi ng tita ko bibigyan nya daw kami ng ginisang upo kasi humimgi sya ng kamatis dito kanina kaso tapos na kaming kumain wala padin sya 😂 Habang kumakain kami kanina sabi ng asawa ko ang labo na ng kabilang mata nya. Hindi kasi sya tumuloy doon sa private hospital na una naming pinuntahan. Baka daw kasi may mahanap kami na mas mura pero yung pera ready na , yung 17,000 na winidraw ko. Nagtanong tanong kami sa mga kakilala at meron palang eye foundation sa Gapan. Magbabaka sakali akong magpa schedule baka may mairefer sa mas mura na hospital. Ayaw kasi naman sa public hospital sa Cabanatuan kasi extension ng mga covid patient yon sa Manila. Sana matapos na to para wala na kaming isipin pa .
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Kaya yan madam, fight fight lng