Malaya sana akong makagawa ng isang katha.
Tapos ko ng patulugin ang aking munting anak
Ngunit hindi ko mawari kung ano itong pakiramdam.
Marahil hindi mabuti ang kalagayan at mas ginusto ko nalang na magbasa basa.
Akoy nag iisip ng kung ano anong bagay.
Naghahanap ng mga titulo ng artikulo na mang aakit sa aking mata.
Tapos ko ng isa isahin hanggang dulo ng pangunahing pahina
Ngunit kakaunti lamang ang pumukaw sa aking atensyon at diwa.
Habang nag iisip kung ano ang gagawin.
Bigla kong naisip si @siopao na tiga Pilipinas din.
Maaring hindi ako makapagsulat ng wikang Ingles sa ngayon.
Batid kong minsan ay baka nararamdaman nyo din ito.
Hinahayaan ko lang ang aking kamay na magsulat ng magsulat ng may laya
Hanggang sa ako ay makarating na sa wakas ng aking katha.
Hindi ko batid kung ito ba ay isang tula
Dahil itoy wala naman sa ritmo at tugma
Paumanhin kung hindi nyo maintindihan.
Para kasi akong lutang sa kawalan.
Ang nais ko lamang ay tumulala.
Ngunit walang maisip sapagkat blanko ang utak.
Tatapusin ko na ito mga kaibigan.
Sana kayo ay mabuti ngayon araw.
Maayos pa rin naman ang iyong nagawa Batid kong hinayaan mo ang iyong kamay at isip na maging malaya Malaya sa kung ano man ang mabuo nitong mga salita Ikinagagalak kong umabot ka sa dulo at natapos pa rin ang iyong katha...