Isang mahigpit na yakap bago sya tuluyang namaalam.
Isang mahigpit na yakap na ang ibig sabihin pala ay tinatapos na nya.
Isang mahigpit na yakap na nagsasabing ito na ang huli at hindi na mauulit.
Isang mahigpit na yakap na hindi ko na muli pang madarama.
Limang taon simula nung mga yakap na iyon.
Limang taon na pinilit kong kalimutan ang mga alaala.
Limang taon nagdulot ng sakit at pighati sa araw araw kahit ninanais ko naman makalimot.
Limang taon ng pakikibaka para harapin yung bukas at umasa na pagsapit ng bukas ay magiging masaya na ako.
Oo limang taon na yung lumipas simula nung lumisan ka ngunit parang kahapon lamang nangyari lahat.
Pinilit kong maging matatag at nagpatuloy simula noong nawala ka.
Pinilit kong magsimula muli at buuin muli yung sarili ko na winasak mo.
Pinili kong ngumiti para sa mga taong nananatili pa para pasiyahin ako.
Oo , pinilit ko.
Pinilit ko pero mistulang ako lamang ang nanloloko sa sarili ko dahil kahit anong pilit ko ikaw ang laman ng puso ko.
Naglibang ako para kalimutan ka.
Umaasa na kapag nalibang ako sa ibang bagay ay unti unti din kitang malilimutan.
Ngunit sa bawat kilos , sa bawat lugar , sa bawat pangyayari ay nagpapaalala lamang sakin na ako na lamang mag Isa at hindi na kita makakasama.
Bumabalik yung mga alaala habang magkahawak yung ating mga kamay at binubuo yung mga pangarap natin sa hinaharap.
Ang dami nating pangarap!
Pangarap na makatapos ng pag aaral tapos sabay tayong magpapakuha ng litrato hawak yung ating diploma.
Pangarap nating makahanap ng trabaho na pareho nating gusto.
Ikaw gusto mong maging inhinyero at ako naman gusto kong magtayo ng sarili kong negosyo.
Pangarap natin na mag ipon ng mag ipon pagkatapos iparanas sa magulang natin yung buhay na hindi nila naranasan nuon.
Pangarap natin makapaglakbay sa ibat ibang lugar ng magkahawak ng kamay.
Mga Lugar na sa telebisyon Lang natin nakikita at umaasa na pagsapit ng panahon ay makita din natin ng personal
Pangarap natin magpunta sa dalampasigan at saksihan kung gaano kaganda sa ilalim ng dagat.
Pangarap natin makapunta sa himpapawid at maramdaman kung gaano nga ba kasarap lumipad.
Pangarap natin na makakain sa masasarap na kainan na hindi nag iisip kung mahal ba ito o mura.
Pagkatapos noon , ay pwede na tayo magplano para sa sarili natin. Para sating dalawa, para sa bubuuin natin bagong pamilya.
Ang dami natin pangarap! Ngunit lahat ng iyon ay nanatili lamang na pangarap.
Tinuloy ko yung buhay ko kahit wala ka.
Bumuo ako ng bagong pangarap para sa sarili ko.
Nakatapos ako ng pag aaral at kasama ko yung pamilya ko sa litrato hawak hawak ang diploma ko.
Nakahanap ako ng trabaho at sinikap ko na magtayo ng munting negosyo.
Nakapunta ako sa ibat ibang lugar kasama ng kaibigan o minsan naman mas pinipili kong mag isa.
Nararanasan ko na din kumain sa mga mamahaling kainan na nag aalok ng putahe ng ibat ibang bansa.
Natupad ko lahat ng iyon maliban sa isa.
Paano ko naman bubuuin yun e ako nalang mag isa.
Madami ang nagtatanong bakit hindi pa daw ako nakakahanap ng lalaking mamahalin.
Ang daming nagpaparamdam ngunit hindi ko pinapansin.
Dahil siguro ayaw ko isabak muli yung puso ko sa isang relasyon hanggang hindi pa ito buong muli.
Mahirap magkunwari na maayos kana pero sa kaila ilaliman ng puso mo ay may bahid padin ng alaala nya.
Paano nga ba kalimutan yung isang taong naging parte ng iyong nakaraan?
Paano nga ba kalimutan yung unang pag ibig na sa kanya mo naramdaman?
Paano nga ba kalimutan yung taong gusto mong makasama habang buhay.
Paano nga ba kalimutan yung taong nawala na ng tuluyan?
Madami akong tanong sa aking isipan.
Mga tanong na hindi ko padin alam yung kasagutan.
Madami akong panalangin na tanging ako lamang ang nakakaalam.
Mga panalangin na hindi ko alam kung may katuparan.
Ngunit kahit ano man ang mangyari.
Kung masagot man o hindi.
Kung matupad man o hindi.
Itutuloy ko padin ang buhay hanggang sa masabi kong kaya ko ng magmahal muli.
Authors note: I thought of this article after I watched the GMA TV series entitled the world between us. My husband said it was bitin because it has no ending and it seems the article keeps him hanging but I told him that it's the trending like the one we watched in the movies. For me creating this kind of ending makes the readers or viewers think of their possible scenes whether it is happy or sad.
May mga ganito talagang kwento, ate. Parang readers ang mapapaisip ng ending at magkakaroon ng open ending, just like yung movie ni Kathryn at Alden noon.