read.cash Log in
@Yansk09 more from that month

Ito na naman ako nakadungaw lang sa labas. Ang tahimik talaga nang paligid kapag pasukan. Walang mga batang makukulit. Hehe. Pero ang lungkot din pala pag walang maiingay. Kaya ito nag-aantay ako na magsilabasan na sila sa paaralan at nang makita ko na naman silang naglalaro nang tumbang priso dito sa labas. Sobrang ng eenjoy talaga ako kapag nakikita ko silang ng tatawanan at naghahabulan. Naalala ko tuloy noong bata pa ako. Mahilig din akong makipag laro sa mga kapitbahay namin nag tumbang priso, tago-tagoan, at iba pa. Nakakalungkot lang isipin na kunting nalang sa mga bata ang lumalabas nang bahay ngayon para makipaglaro. Palagi nalang kasing mga gadgets ang hawak nila at online games na ang nilalaro nila. Para sakin mas mabuti parin ang mga physical activities kaysasa paglalaro lang sa cell phone. Kaya hindi ko sasanayin ang anak ko nag maglaro sa cp. Hahayaan ko xang makisalamuha sa ibang bata sa labas at maglaro na parang wala nang bukas. hahaha

16 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.