read.cash Log in
@Yang2x more from that month

Kaluluwang Hindi Matahimik

Naniniwala poba kayo sa kaluluwa? O sa sinasabi nilang mga kaluluwang hindi matanggap sa langit o di kaya'y hindi matanggap ang kanyang kamatayan. Dahil naghahanap nang hustisya sa kanyang pagkamatay.Isa po ako sa naniniwala na totoo po sila. Dahil nakita at narinig kopo mismo sila. Way back October 2010,"sumasalangit po ang iyong kaluluwa ate".Isinugod po sa ospital ang ate ko dahil manganganak na sya. Pero about 9cm na ata hindi parin lumabas yung baby. Halos maubusan na daw nang tubig kakaire.At dahil kulang sa mga pasilidad ang ospital sa probinsya namin,yun nga nagdesisyon ang doktor na umasikaso sa kanya na dapat dalhin sa mas malaki at kumpleto sa pasilidad na ospital. Pero nung time na yun,grabe na ang kanyang kalagayan. I mean hindi na mabuti..50/50 na,sila nang magiging anak nya sana. Pero dahil napakalayo naman talaga nang syudad sa probinsya namin,siguro halos 5-8 hours yong byahe,hindi na nila alam ni tatang ko kung mabubuhay paba silang dalawa nang bata.At to make the story short,pagdating nila sa syudad dun dinala si ate sa pampublikong ospital syempre dahil wala namin kaming pera. Mahirap lang po kami. Sinabi nang doktor na kailangan magsagawa daw nang csarian operation para mailigtas silang dalawa. Pero huli na ang lahat,namatay yung bata sa tyan. At nung nalaman nga nang ate ko..inatake sya sa puso at namatay. Kakalungkot lang isipin na sana kung napaaga nang desisyon ang mga doktor sa probinsya namin,edi sana buhay silang dalawa ngayon. Yun nga dinala ang mga bangkay sa aming probinsya..at mula nang unang gabi nang lamay, palagi nang nagpaparamdam ang ate ko at gabi gabi din syang umiiyak na parang humihingi sya nang tulong dahil hindi niya matanggap ang kanyang biglaang kamatayan. Nakakatakot talagang pakinggan grabe! As in manalangin ka talaga.Siguro dahil May naiwan syang dalawang anak.At nagpapakita din sya mismo sa mga kamag.anak niya,at isa na ako dun. Pero sabi nang mga tao kelangan lang daw palagi silang ipagdadasal. Yun nga ilang araw,buwan at taon ang lumipas unti unti na naming natanggap lahat ang kanyang pagkawala. Sumasalangit sana ang iyong kaluluwa ate kasama nang diyos sa langit.!!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.