read.cash Log in
@YamceyLou

Salapi o Pag-ibig

hindi raw nabibili ng pera ang pag-ibig? marahil ito'y nananaig sa iilan nalang dito sa daigdig dahil pera na ang tinitibok ng karamihang dibdib. sapagkat ngayon ang batayan ay kung gaano karami ang kayamanan kung kaya mo ba syang bilhan at maibigay ang karangyaan ala-ala o pera? pumili ka sa kanila pag-ibig o kayamanan? wag ka sanang mag-alinlangan sagutin mo nang mabilis, mga titig mo ay huwag mong ilihis. itong mula sa aking isipan kaya't patawad kung may kababawan hindi ba mas masarap na kasama nyong aabutin ang pangarap hindi yung handa kang magpanggap dahil nasa kanya ang yamang hanap. malungkot ang katotohanan na maski pag-ibig ay nababayaran hahanapin sa iba ang kinabukasan at ang may puso ay handang iwan..

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.