Buhay Magsasaka

5 4000
Avatar for Xzeon
Written by
3 years ago

Sa araw araw ay nagpapasalamat tayo dahil may nakahaing kanin sa ating hapag-kainan.Na kahit papano kahit mahirap ang buhay at walang ulam basta may kanin okey na. ..

Pero sana naman, ipanalangin natin na ang may kagagawan kung bakit may nakahain sa ating hapag ay sana nasa mabuting kalagayan at laging may magandang kalusugan. Sapagkat sila ay di magawang magpahinga sa tuwing nagsisimula ang pagsasaka, simula sa paghahanda ng punla hangang sa pag aararo ng palayan. Mula pagtatanim hanggang sa lumago ang palay. At ang pinaka mahalaga sa lahat ay ang pag-aani .

Minsan laking panlulumo sa parte ng magsasaka kung ang kanyang pananim ay nasalanta ng bagyo' o di kaya ay sinira ng peste ng pananim. Isa itong dagok sa kanya dahil nakasalalay ang buhay ng kanyang pamilya kung wala siyang maaani dahil wala silang makain sa darating na mga araw. At wala din tayong makain. Oo, pati tayo, dahil kasama tayo sa kanilang pagsisikap at hirap. Sa tingin mo ba, natatagpuan ang palay sa gilid ng daan o sa gitna ng ilog ng basta basta na lang? O basta basta na lang nahuhulog ang bigas at napunta sa inyong lagayan. Hindi po, kaya sana isipin natin ang mga tao na sa tingin natin ay nagsisikap di man direkta na para sa atin ngunit responsable sa ating pang araw-araw na ikinabubuhay.

3
$ 0.00
Sponsors of Xzeon
empty
empty
empty

Comments

dahil sa mga masisikap na mga magsasakang to kaya tayo ay patuloy nA nabubuhay pti na rin ekonomiya ng bansa.San ka man magpunta,ang ilalagay sa tyan ang hinahanap.d po tyo d baterya na d nangangailangan ng pagkain..salamat sa pagtangkilik sa ating mgA magsasAka..

$ 0.00
3 years ago

Kailangan natin silang bigyan ng pagpupugay dahil malaki ang kanilang naiambag sa ating ekonomiya at sa ating ikinabubuhay. ๐Ÿ˜Š

$ 0.00
3 years ago