"Ang Mundo at ang Teknolohiya"
Hello mga ka reader ito po yung pangalawang article na ginawa ko kasi yung una is binura ko po na nosebleed aku sa pag English e ayaw ko naman mag pa tulong sa Google Translate baka ma Spam pa aku. Hehe Kaya simulan na natin. Mga mahal kung mambabasa at manunulat kamusta na kayo? Nasa magandang mundo pa ba ang ginagalawan niyo? Malamang na pansin niyo ang biglang pag usbong ng ating mundo. Dulot ng mga bagong nilikhang gawa sa katalinohan ng mga tao. Hindi natin ma iiwasan na habang umuusad, lumalawak at umuosbong ang populasyon na ating ginagalawan dito sa ating mundo ay Sinabayan ito ng maka bagong invention sa tulong na rin teknolohiya. Ngunit kung na pansin niyo ang kaibahan ng pamumuhay ng mga tao na wala pang masyadong teknolohiya kumpara sa ngayong hinirasyon ay masasabi natin na okay lang naman diba? Peru dahil sa tulong ng Teknolohiya sa kasalukuyan ay masasabi natin na naging madali na ang ating pamumuhay. Gaya ng mga transportasyon. Dahil ito ang naging unang suliranin natin sa pang araw-araw lalo na kung wala tayong sariling sasakyan. Subalit grabi naman ang naging epekto nito sa kapaligiran gaya nalang ng #Polusyon na nakakasira sa kalikasan lalo na sa #ozonelayer na nag sisilbing proteksyon sa atin na dulot ng sobrang init ng araw. Kaya dahil sa teknolohiya nag kakaroon narin ng pa unti-unting solusyon paano maiiwasan ang sobrang polusyon. Halimbawa nalang nito ay ang mga bagong gawa na eco-friendly na mga sasakyan. Na kung saan ay pinapatakbo na ito ng kuryente at hindi na nag boboga ng maiitim na usok.
Pag ka tapos ng transportasyon ay tutungo naman tayo dito sa #Internet connection. Para sa inyo ano ang opinion niyo tungkol sa pag lawak ng ating internet connection? May malaki ba itong na I aambag sa kasalukuyang panahon? At anu-ano ang mga benipisyo na ating nakukuha dito? Positibo ba o negatibo. Ito ay hango lamang sa aking obserbasyon.
***Positibo na tulong ng Internet*** ➡️ Malaking tulong sa mga malalaking negosyo o kumpanya ang internet connection sa buong mundo. ➡️ Napapadali ang mga nakukuhang impormasyon ng mga kabataan gamit ang internet sa kanilang pag aaral. ➡️ Nakakatulong ang internet sa pag kakaroon ng communication sa mga mahal natin sa buhay na nasa malalayong lugar. ➡️ pwede itong maging paraan para sa mga pag kakakitaan. Gaya ng pag blog o pag likha ng interesting na mga bagay na nag bibigay aral sa lahat. ➡️ Pwede na rin ang internet at magamit sa mga sariling mga cellphone gamit ang mga sim card. **Peru kung my positibo may negatibo rin na naidudulot sa atin ang sobrang pag gamit ng internet ma Bata man o nakakatanda**. ***Negatibo na dulot ng Internet*** ➡️ Nagiging Sobra ang oras na pag gamit ng internet sa PC at cellphone na nakaka sira ng kalusugan. ➡️ Pwede maka bukas ang mga minor de edad ng mga website na nakakasama sa kanila na may mga pangit na gawi o konsteksto. ➡️ Mas pinipili pa ng ibang kabataan na sa internet nalang kumuha ng impormasyon kaysa sa naka gawiang pumunta sa library para mag research. Para sa madaliang sagot. ➡️ Minsan hindi na mautusan ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil sa pag lalaro ng cellphone. ➡️ Nakikipag kita sa nakikilala lang sa social medya na naging sanhi ng kapahamakan. May mga bagay talaga na naging madali dahil sa tulong ng Teknolohiya. Lalo na sa ating panahon ngayon na nababalot dahil sa takot sa pandemya. At ang nakakarami sa atin ay pinili nalang muna na nasa mga bahay upang mag work at home at ang mga studyante naman ay my modular o kaya ay gamit ang laptop o kaya cellphone sa kanilang klase. Kung wala ang Teknolohiya sa ngayon malamang ay marami ang mahihirapan. Subalit may mga bagay rin na minsan na nakakasama sa atin. Ayon panga sa mga matatanda "Kung may mabuting dulot ay may Masama rin namang Epekto. Kaya dapat laging gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak at mag karoon ng mga disiplina sa sarili ang bawat isa sa pag gamit ng teknolohiya. Dahil ang mahalaga dito ay matoto tayong lahat paano ito gamitin ng maayos at gamitin rin ito sa mga magagandang pamamaraan na hindi nakaka lamang at nakakapanakit ng kapwa. Minsan ang teknolohiya ang nagiging mitsa ng mga pag lalamangan ng mga bansa kung sino ang mas angat sa kanila. Kaya sana hindi natin antayin na umabot pa ito sa nakakatakot dahil sa pag usbong pa lalo ng "TEKNOLOHIYA". Salamat sa pag basa sana ay nagustuhan po ninyo.
No comments yet