Nag send ng picture si hubby ni Exo sa messenger ko, sabi daw ni baby Exo kanina sa kanya noong lumabas sila sa chapel na
Exo : Noise ko ba please.
Ibig sabihin nyan magpa picture sya para i post dito sa noise hahaha.
Kaya masaya ako tinutulungan ako ni baby Exo ng pang post ko dito hihihi.
Two hours ago I posted here about sa tsinelas ni hubby na putol nag retire na!
After mag post bumaba na kami dito sa baba at tadaaa!!!! Tinahi o inayos na ni tatay ang tsinelas na naputol ni hubby kaya may magagamit ulit si hubby dito sa bahay na tsinelas.
Advantage of having a father na mananahi ng sapatos kaya naka survive pa ang tsinelas postpone ang pag retiro nya hahaha pasensya wala pa kasi kaming pang bili ng kapalit mo kaya tiis ka muna dyan ah! Hihihi.
Yung mga butas butas o tusok tusok sa tsinelas ang pusa pinagbibintangan ko nyan hahahaha.
Nag retire na ang isang taon na tsinelas ni hubby. All around yan ma tsinelas pang bahay araw araw at panglakad ang tibay super sulit ang pera nyan parang tag 120 pesos lang ata ang bili nyan nakalimutan ko na basta hindi lang mabigat sa bulsa yan hihi.
Pero magagamit pa namin yan pang bahay kasi tatahiin daw yan ni tatay.
Wala pang budget pang bili ulit eh hihihihi.
Kaka rating lang ng bahay galing nakikibirthday, birthday ng kuya ng mga kambal sa picture na ito.
Antok na mga kambal dyan pero hindi pa makatulog ang iingay pa kami mga bisita nila nag sing along pa hihihi.
Pag baba namin ng motor tsaka umulan, naabutan kami ng ulan kunti kasi papasok pa bahay namin galing sa kalsada.
Hindi ko pa naman nadala ang waterproof na jacket ni Exo at hindi rin dinala ang payong kasi walang sign uulan kanina pag alis namin hihi. Wala akong bitbit pag alis namin maliban sa cellphone lang ahahah.
Habang nag hihintay kay hubby matapos mag bihis picture muna kami ni baby at ipost bago alis hihihi.
Inimbita kami sa ka churchmate namin na doon maghapunan kasi birthday ng anak niya ngayon.
Pero tapos na kami nag hapun busog na kami, pero punta pa rin kami baka may masarap na dessert doon hahaha.
Maaga din nakauwi sila tatay at nanay galing sa date nila kanina kaya makakahiram kami ng motor. Pag wala pa si tatay hindi kami pupunta kasi mahal pamasahe sa motor dito sa amin wala na kaming budget, ang pera namin budgeted na para bukas sa pag simba pamasahe namin hihihi.
Mayroong five piso coin pala si hubby nilagay sa bulsa ng short nya kaya noong humiga sya ulit kaninang umaga sa bed tumabi sa amin ni baby para sa morning bonding namin bago bumangon at mag family parayer, na hulog ang five piso coin sa bed at nakita ito ni baby;
Exo : Hala singko(kinuha agad) ihulog ko ito sa alkansya ko.
Nang tinignan ko singko nga five piso coin talaga, nakakatuwa naman tama ang sinabi nya at pag makakita sya ng coin talaga ay alkansya ang nasa isip nya agad na ihulog.
Kahapon din daw sabi ni hubby nakakita si Exo ng singko sa table sa baba, kay hubby din daw yun sukli sa binili nya at kinuha din ni baby para daw hulog sa alkansya.
Alam nyo yung facial expressions nya pag makakita ng coin na sobrang saya talaga dahil nakakita sya at ihulog nya agad sa alkansya sya nya.
Pangarap ko talaga mag open ng CCR GOLDRAGS na code ng ukay-ukay bale for kids kasi ang popogi gaganda ng mga laman daming mga brand new pa nahahalo at malilinis babago pa talaga ang laman ang bulto na iyan halos mga premium brand din ang laman.
Hindi ko nga lang afford kasi tag 30k ang isang bulto. Sabi naman ng bff ko na si @chungcha pag maka abroad na daw sya matutupad na daw pangarap ko mag negosyo nyan hihihi kaya praying din ako na magkaroon sya ng employer na mabait doon.
Photo attached isa yan sa laman ng CCR GOLDRAGS bale ng Kidswear.
Nagpaubos sale na si seller tag 70-80 pesos each nalang, may naiwan pa rin na mga brand new kaya ge mine ko na for Exo black pants yan na may mga botones for suspender.
Kakaupo ko lang galing nag laba nag sampay, tapis may tumawag mag sukat daw sya ng gown yung kausap ko last month na mag rent sya ng gown sa aming maliit na negosyo bridal rental business.
Hindi man lang nag heads up kagabi or kahit kanina umaga na punta sya dito hihihihi. Mabuti nalang tapos na ako noong tumawag sya. Pero pag tawag nya nandito na sya sa aming lugar sa binigay ko na landmark sa kanya noong nag usap kami last month sa chat haha.
Ang daming mag comment sa post ko sa efbe page na hindi related sa post ko, mga ganyan na comment.
Noong una hindi ko ma gets, mga vlogger pala na nag hahanap ng followers nagpapadami ng followers, yun ang strategy nila para dumami agad ang followers nila.
Lahat ng nag comment sa post ko na mga ganyan, pina follow ko sila, lahat ng nag follow din sa akij follow back ko sila, at hanggang sa ang newsfeed ko puro mga vlogger na hihihi doon ko nalaman grabe ang dami na ng mga vlogger sa fb.
Ito pala yung na mine free ko sa live selling ng nga damit, bago sila mag end ng Live selling nila nagpapa mine free sila. Ang saya ko ako nauna naka mine free sa yema na maraming mani.
Ang sarap ng homemade yema nila maraming mani talaga.
Binibinta rin nila yan at nag promote sila kaya nagpapa mine free sila ng ganyan.
Score ni hubby yang 4035 kanina umaga bago sya nag work.
Score ko naman yang 4930 kanina kanina lang hahahaha.
Ganyan kami pag naabutan at nalalampasan screenshot namin ipakita sa isat isa hahah.
Sa cellphone ko lang kasi ang laro na ito kay puno na cellphone nya wala ng storage na malagyan ng legit paying game app na ito.
Pinapalaro ko lang sya paminsan minsan nito sa phone ko hahaha.
Pag sinasama namin si baby Exo sa super market ay sya pinapili namin at pinapakuha ng gusto nyang drinks.
Ito naman kinuha nya kagabi na drinks, may cow picture kasi (mooo mooo) daw hihihi nakikita nya sa mga educational videos na napapanood nya sa yt.
Dalawa lang din kinuha nya, alam nya kasi kunti lang pera namin pang bili lang ng ulam at kahit sobrang kunti at gipit kami kailangan mayroon din syang drinks mabili namin kahit isa or dalawa lang, bawi nalang sa sahod ulit hihi.
Kinikilig to da moooon talaga ako pag na rerecommend ang post ko ss steemit for upvote kay naging worth it ang two to three hours ko sa pag gawa ng post doon hahaha.
300 words minimum ang kailangan kasi doon, at hindi ako magaling mag English kaya nagpapatulong pa ako kay google at grammarly app hihihi.
Click attached photo makikita nyo ang unang picture ay aking post na recommend, ang pangalawa yung nasa baba ay kay ate @me2selah na syang nag invite sa akin dito sa noise at sa steemit. Kami yan tatlo ni ate @Rejen, @me2selah nasa picture mga magagandang dilag hihihi. Nagka kita kita kami noong November 19 at syempre hindi pinalagpas mag picture.
Yung mag picture ka kasi ipost mo dito agad pero dahil kakapost mo lang kailangan antayin mag one hour ago pa bago mag post ulit, hanggang sa makalimutan mo na i post at i chika ang picture na yan hahaha.
Noong November 19 pa pala ang picture na ito, maulan ito na araw sa amin pero nang libre ng icedrop melon flavour ang kaibigan namin, sobrang sarap na sarap ako hahahahaha kahit hindi ako mahilig sa mga ganito.
May araw talaga ano na masasarapan ka sa isang pagkain na hindi mo naman hilig kainin palagi.
Sino naka panood na dito ng "True Beauty"Kdrama?
Grabe ang scene na ito sobrang tawang tawa talaga ako, tagal ako naka move on hahaha.
Yung nanonood kayo ng horror movie at may biglang hahawak at hihila sa paa mo ahahaha!
Episode 9 ito hahahaha dami ko talagang tawa nito, sa nakapanood dyan natawa din ba kayo sa scene na yan?
Bago nawala ang rewards dito naka earn pa ako ng 110 pesos.
Kinuha ko na kanina nilipat sa gcash kasi kailangan na talaga gamitin ang 100 pesos pang dagdag sa na earn din ni hubby sa laro nya pang bili ulam.
Kakarating lang namin sa bahay ngayon galing palengke, nanghiram kami motor kay tatay kaya sumama na kami ni baby Exo kay hubby sa palengke.
Nakabili kami ng pang ulam ngayon gabi at para bukas nh umagahan, ang pang tanghalian na naman ang isipin bukas paano at ano ang ulamin sa tanghalian hahaha laban buhay!
Andito na naman si tiya ngayon sa baba, tawag ng tawag naglalako ng shakoy/pilipit.
Unang sumagot si hubby, sabi nya pass muna kasi wala na kaming pera as in literal na wala na talaga. Sigaw ng sigaw pa rin si tiya.
Tiya: Exo shakoy (mga 3x)
Exo : Unsa man tiya, wala na kwarta papa hurot na na. Wala na daw kwarta papa hurot na. (tagalog : Wala na daw pera papa tiya)
Ako na nagtatampo kay hubby at planong wag pansinin boong araw kasi sinira nya trip ko naiinis ako hahaha. Nawala tuloy tampo ko ka hubby sabay kaming dalawa tawang tawa kay Exo, good job kaayo alam nya talaga tumangi sa naglalako ng shakoy kay wala na pera. Hahaha
Ngayon lang ako sinipag mag laba sa bridal gown, veil at robe hahahah.
Last week of October pa yan ni rentahan at ngayon lang nilabhan, hindi kasi nadumihan ng bride na nag rent nyan kaya kampanti lang ako hindi labhan agad hahahah.
Tinulak ko na sarili ko na labhan yan today kasi may mag rent na naman nyan sa December 8, tagal pa naman nyan matuyo kasi makapal ang tela hihihi.
Habang kumakain si baby Exo ng paborito nyang taho.
Exo : Noise ko ma ba 3x
Hindi ko agad na gets, hanggang naka rami sya nag sabi at na gets ko na. Picturan pala sya kasi i post ko daw sa noise hahaha.
May 30 months old baby alam nya na talaga na lagi ako tumatambay sa noise at nagpipicture para pang post sa noise.
Questions of the night hihihi!
Sa mga nagpa breastfeeding mommies dito, ano ginawa nyo para mahinto o hihinto na si baby nyo mag dede?
Ang larawan ay isang throwback lamang hihihi, pagkatapos ni baby nag dede eh ginawa nyang unan dede nya hihihi.
Sarap sa pakiramdam pag ganyan mommies ano? Naka yakap pa! Hihihi
Hanggang ngayon hindi pa naboo ang gusto ko hahaha.
Sa Christmas party kasi namin sa church sa darating na December 10 ang theme ay costrip.
Una gusto ko mag kpop attire lang yung mag sweatshirt lang kami tatlo hihihi.
Nabago na naman ng Harry Potter kasi nahiligan ni Exo ang magic wand na laroan at medyo madali lang hanapin sa ukay-ukay ang susuotin nyan mag DIY lang.
Ngayon naisip ko parang all black naman, lipat nalang kami ng micky mouse kasi may red para feel ang pasko at higit sa lahat casual lang din ang pwedi suotin para sa costume.
Ngayon naman gusto ko na rin mag squid game guard costume ahahaha kaso mahal ang terno red hoodie jacket hindi namin afford.
Gusto ko rin mag bear family nalang kami kasi gusto ni Exo baby bear sya at ako daw mama bear at papa bear naman daw si papa nya.
Kaso bibili na naman ng susuotin nyan hahaha.
Kung may mga extra pera lang talaga ako ngayon go na ako sa bear family costrip sa Christmas party namin ba hahahaha.
May binanggit na word si Exo, hinihingi nya di ko talaga ma gets, hanggang sa paulit ulit kos tinanong sa kanya na ano yan?
Exo: di ka balo? (tagalog translation : hindi mo alam?)
Me : Oo dili ko kasabot( hindi ko maintindihan sinabi mo)
Nag pause sya at nag hanap sya ng word na maintindihan ko.
Exo: mmmmm pan ba (mmmm tinapay ba)
Ayun na intindihan ko na mga inay sinabi nya nagka intindihan din kaming dalawa hahaha, nang hingi pala sya ng shakoy or yung pilipit ata yun sa tagalog hihihi.
Bumili kasi kami dumaan nag lalako si tiya ng shakoy.
Eh ubos na kasi isa lang binili ko hahaha.
Hahaha ang cute ng last scene o usapan sa drama na ito bago mag end ang drama.
Cdrama ito, ang title ay "My girlfriend is an Alien"
Kung may season three man, hindi na girlfriend siguro kasi married na sila may tatlong anak na rin hihihi, ano kaya title nyan pag mag season three sila? Hahaha.
Sinong familiar nito at naka experience ng ganito? Nakita ko lang ito na advertisement biglang lumabas hihihi.
Too good to be true man hihihihi.
Legit kaya yan?
Hindi ko talaga ma beat ang highest score ni hubby hahaha. Pero ngayon naka score ako kahit 3kplus lang muntik na sya ma beat ang saya ko na hahaha. Mababaw lang talaga kaligayahan ko hahaha.
Happy weekdays mga friends ilang days din kami alis ng alis dami activities sa labas kaya sa isang linggo lang d nakapaglaba dami na agad labahan.
Pero hindi pa ako naglaba kasi naglalaba pa si nanay,mamaya pagkatapos nya pag may maiwan pang sampayan sa labas hihihi dami din sya labahan eh.
Nag open ako saglit ngayon sa efbe reels videos ko, at nakita ko ito naka 1.7k views din pala ako sa isa sa videos ko sa reels hihihi.
Hindi ako makapaniwala kasi halos reels videos ko ay hindi lang aabot ng 500 views hahaha pero ito umabot pala ng 1.7k views.
Kani bitaw gipit kaayo ta sa budget, maglugos na ug kaabot sa sunod sweldo kay sugsugon noon ta lami kaayo ikaonkaon hahaha.
Labi na ug rainy days permi gutom pamati lami ikaon permi hahahaha.
Nag ulan pud diha sa inyuha ron mga sis?
Sa mga flying comments talaga ako natatawa lalo eh, natatawa ako kasi nakaka relate ako noong dalaga pa ako na walang boyfriend hahaha.
Pero hindi ako nahilig masyado manood noon ng mga c/kdrama, ngayon lang na may asawa na kasi tambay nalang sa bahay, ito nalang libangan ko after ng routine sa bahay every day.
Tuwing gagawa ako ng English Post sa steemit isang blogging site.
Pagkatapos ko mabuo ang essay na ginawa ko e on ko na ang grammarly app ko para ma correct ang dapat e correct bago i post.
Tignan nyo sa 400+ words may 13 akong wrong, kailangan e correct hihihi.
Salamat sa app na ito na malaking tulong sa akin sa blogging journey ko sa steemit at dito pag feel ko mag English dito hahaha.
Busy na ang lahat ng mga bata sa pagkain ng spaghetti pero si Exo ko ay ayan busy din kakalaro hahaha.
Walang paki si Exo sa spaghetti basta maka laro lang sya sa laroan ng pinsan nya (2ndegree cousin).
Pag pasok talaga namin sa bahay eh ang unang nakita ay ang mga laroan ng pinsan nya na naka display, hindi yung pagkain hahaha.