read.cash Log in
@XOperUs more from that month

Pag open ko ng fb ngayon ito agad nakita ko, napahinto ako kasi ka mukha sya ng tatay (father) ko. Tinignan ko na sino nag post, first cousin ko pala talaga ang nag post at ang unang caption nya ay "Rest in Peace tatay Juaqin" Nagulat ako kasi ito yung kapatid ni tatay ko na hinahanap nila at wish ng tatay ko bago sya mamatay daw na makita niya ito kasi 30 years na silang hindi nagkita. Pero sad to say namatay si tatay ko noong 2008 na hindi man lang sila nag kita, mga 14 pa kasi ako noon at friendster pa ang uso daw at hindi pa ako marunong at wala din akong cellphone na touch screen noon kaya hindi talaga namin sya mahanap nahirapan kami mag hanap sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali 11 silang magkakapatid na puro lalaki, siya at ang tatay ko at iba pa sabay sabay sila umalis ng Bohol para pupuntang Mindanao para doon hanapin ang kinabukasan nila noong namatay na ang parents nila. iilan lang ang naiwan sa Bohol, simula noon ay hindi na sila nagkita kita, hanggang 2007 bumalik na si tatay sa Bohol kasama kami kasi gusto nya mamatay daw sa lupang sinilangan nya kaya yun lahat ng ari arian sa Mindanao lupa bininta para pamasahe pauwi sa Bohol at nag umpisa kami sa Bohol na walang wala talaga buti nalang mayayaman kapatid ni tatay sa Bohol tinulungan nila kami makapag umpisa ulit. Pero ngayon magkita na sila tatay ko at tatay Juaqin sa Spirit world hindi man sila nagkita muli dito sa mundo nagkita naman sila doon ngayon. Hanggang dito nalang muna ang aking kwento kasi alam ko na hindi rin ito mababasa hahaha. Salamat sa mag babasa sa kwento ko na ito. 10.22.21

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.