Nakita nyo ba sa pinakalikod akong ano tinaniman ni mama sa kanyang sebuyas? Dyan ako na amaze hihihihi. Ang mga paso ni mama na gamit, mga sako at cellphone, lata kung ano ano lang. Tumawag si mama nag kwento sa akin na may mga gulay sya tanim sa harapan ng bahay namin sa probinsya at may pumupunta lang daw sa bahay para bumili ng gulay. Inimagine ko parang sarisari store lang hihihi, pero fresh ang mga paninda ni mama kasi nasa lupa pa kukunin pag may bibili. Nag request ako ng picture kaya pag punta ng sister in law ko sa amin na may touch screen phone, pinicturan kasama ang maganda ko na pamangkin at ito na yun ang picture.
9 comments
Pede naman tlga sis, tipid pa, basta bubutasan lng sya para makihnga ung halaman
Hahaha Oo sis, kaya bilib talaga ako kay mama, maparaan, nuon pa yan maliliit pa kami ganyan na ginagawa ni mama, hindi talaga siya bumibili ng mga paso, mag recycle lang sya.
Nice. Naging source of income pa galing. 😊
Oo sis yan na talaga source of income ni mama maliliit pa kami. Naglalako sya ng gulay dati, ngayon na nag pandemic hindi na sya nag lalako, hindi na rin sya maka punta sa gulayan nya kasi pina bantay ng apo hihihi kaya sa bahay nalang sya nag tatanim ngayon. Salamat sis
Ah kaya pala. Buti na lang may green thumb si mother. Sana madagdagan pa nya mga tanim nya ngayon para mas madami pagpilian customers nya. Hehe
Salamat sis. Nasa gilid pa daw at likod. Yan lang pinicturan hihi
Nice, nice. Yayamanin pala si mudrabels. Sanaol 😂
Hihihi sana sis kaso hanggang yayamanin lang hindi yumayaman hihihi.
Hahahhaa malay mo sis dumami pa talaga lalo mga tanim ni mudra. Baka makapagpundar pa sa ibang pagkakakitaan.