Noong months pa lang si baby Exo ko may alkansya na sya binilhan namin sya ng piggy bank pero hindi ko pa sya pinapahulog ng coins kasi sinusubo pag nahawakan na eh imbes na i hulog hahaha. Para yun sa 1st birthday nya na alkansya after ng unang kaarawan nya ako na nag ipon para sa future nya pa kunti kunti lang at paminsan lang din mahulugan ng coins kasi laging gipit eh. Ngayon naman naisipan kung gawan sya ng alkansya at turuan na sya mag ipon dahil nakaka intindi na sya ngayon mag two years old na sya next month eh hehehe. Hinuhulog nya agad ang coins hindi na nya isusubo hindi tulad dati hehehe. Hindi na rin kami bumili ng piggy bank nya, nag recycle nalang kami ng water bottle para doon nya ipunin ang coins na hingiin namin sa papa nya every day hahaha. Goal ko tag 5/10 coins lang ihulog sa alkansya nya hehehe. After nya mahulog ang coin na yan naku nang hingi pa gusto pa mag hulog ng mag hulog hahaha naaliw sya mag hulog eh.
3 comments
Sige lang baby boy di malayong paglaki mo milyonaryo kana ahaha gandang morning sis
Hahaha milyonaro agad sis. Good morning sis
Malay mo sis yan ang tanging yaman mo ahaha