Kagabi mga 11pm napansin ko giniginaw si baby Exo namin kaya bumangon ako at binihisan sya ng pajama at medyas. Kanina madaling araw ay pag touch ko sa kanyang mukha mainit na mainit talaga pero wala lang ako kasi antok na antok ako eh kaya natulog ako ulit. Nagising ulit ako at pag touch ko ulit sa mukha nya ay mainit na mainit pa rin kaya medyo nag panic na ako kaya bumangon ako at kinuha yung kool fever nilagay ko sa noo nya. Mga ilang minuto ang nakalipas pagkatapos ko lagyan ng kool fever pag touch ko sa kanya ulit hindi na sya mainit at ngayon pag gising ko hindi na rin mainit sya kaya panatag na loob ko ngayon.
No comments yet