Yung shoes lang ni Exo pang simba lang ang pakay namin pero itong si hubby pumunta talaga sa car toys station ahahaha. Ayaw ko talaga bilhan ganyan si Exo kasi nasasayangan ako sa pera ahahah mahal kasi at mabilis kasi mag sawa si baby pag nag sawa na itatapon nya sa baba pag tapon ayun sira agad. Pero si hubby gustong gusto talaga bilhan ng malaki yung 400+ ang presyo ako hindi nalang ako umimik kasi sabi naman nya bawiin ko lang yan sa sideline ko. Pero maya maya sabi ko yung medyo maliit nalang 200+ kasi hindi ko talaga kaya mag isip na 400+ tapos ilang sandali lang yan nako parang nagtatapon ng pera ang hirap pa naman namin sa pera. Inisip ko nako uuwi kami nitong walang pera at wala ng kainin hahahah. Ang ending hindi yan nabili ahahaha. Sabi ko kasi kay hubby una na ako doon sa sapatusan ha sunod nalang kayo ni Exo. Pag sunod nila iba ang bitbit hahaha, yung skateboard. Hubby: Ito nalang mamee kasi para maka sakay talaga si Exo at matibay at mura pa. 160+ lang ito at gusto rin ni Exo. Mamaya post ako about skateboard kung ano outcome pag dating sa bahay hihihi.
No comments yet