Kahapon ng hapon, bigla bigla nalang nghingi ng coconut si Exo, natawa talaga kami ni nanay sa kanya kasi para syang isang buntis na naglilihi ahahaha. Tawag sya ng tawag sa papa nya sa taas kasi papakunin nya papa nya ng coconut. Ayaw nya talaga tumigil sa kakatawag sa papa nya hanggang sa baba ang papa nya. Ang ingay nya grabe hahaha, tumahimik lang ng mapag bigyan nya sya ng coconut. Nag crave ng coconut si baby bigla kahapon hahaha ang cute nya lang talaga pakinggan na nang hingi bigla ng coconut lol. Nanghingi din sya ng baso para daw lagyan ng coconut water ahahaha. So habang tumatawag sya sa papa nya na nasa taas hawak na nya ang baso, galit na galit ang boses dahil matagal papa nya, pag nakita nya papa nya bumaba sa hagdan ayun naka smile na.
2 comments
Haha, ano baby boss lng exo
Nag crave si boss ng coconut hahaha