Kagabi ito, pinasukat ko kay Exo yung mga preloved na sapatos ng anak ng kaibigan ko na binili ko este inutang ko muna pala hahaha. Gustong gusto ko talaga ang shoes na inofer nya kaso wala pa akong budget, at ayaw ko rin naman madagdagan utang ko kaso sabi nya na no rush lang daw pay when able lang. Eto na nga pinadala na nya sabi ko tsaka na ipadala pag mabayaran ko na, at isa pa wala pa akong budget pang bayad sa delivery fee. Binayaran nya na rin ang delivery fee kasi gusto na nya ipadala hehehe. Ang ganda ng shoes mga momma matibay at mukhang mamahalin talaga sya pero mura ko lang nakuha sa kanya at ang dami pang freebies ang gaganda din ng freebies. Sana maka ipon ng extra dito ng mabayaran na sya hehehe, nakakahiya naman.
7 comments
poging pogi naman ni kuya exo!
Thank you po sissy.
ang cute cute naman bagay na bagay kay exo yung sapatos hehe
Salamat sis hehehe, tingin ko rin bagay sa kanya ang shoes kaya kinilig ako hahaha
Aba galing magmodel no exo. 😍may pag project
Ayeee mukhang model na ba sis? Salamat sis
Oo sis. Pwese na.