Ang aking online gamer na husband na hindi pa rin napapabayaan ang kanyang responsibilidad bilang isang ama. Dati binata pa siya at ang kanyang bff yung kasama nya ngayon sa picture. Naglalaro yan sila palagi sa enternet cafe tapos tag madaling araw na umuuwi ng bahay halos araw araw kaya isa sa ayaw ko sa kanya dati kasi parang walang plano sa buhay at lagi nalang nauumagahan sa pag uwi dahil sa laro na yan. Pero noong naging kami, binigyan ko ng curfew dapat maka uwi na sya ng bahay ng 11pm para hindi rin mag alala ang nanay nya. Noong nag asawa na kami, once a week nalang sila pumunta sa enternet cafe at dalawang oras lang binigay ko sa kanya hanggang sa huminto na sya sa pag punta ng enternet cafe at dito nalang sa bahay mag laro. Paminsan minsan ang bff nalang nya ang pumupunta dito mag dala mg laptop at sila ay mag laro tulad ngayon andito ang kanyang bff.
No comments yet