Napa ngiti/kinilig ako sa mensahe na natangap ko ngayon. (see photos why) May nag chat bigla, bago ko binuksan ang kanyang message nag isip muna ako kung sino sya, hindi ko talaga ma recognise sino sya pag open ko nag send sya ng screenshot ng gcash at tinignan ko wala kaming latest convo. Ito sinabi nya na nag met na pala daw kami dati sa SM kasi may binili sya sa akin na paninda ko for her baby girl noon. Hindi ko talaga maalala sya kasi isang beses lang ata sya bumili sa aking paninda at sobrang tagal na noon. Na touch ako sa sinabi nya at na naalala pa nya ako at hindi nya ako o kami ni hubby makakalimutan daw.
5 comments
Malaking tulong yan sis. Pero wag kang magbibigay ng anumang info like mga OTP or pins kasi may mga nanloloko na ganun
Salamat sa paalala sis. Oo sis maingat ako sa mga ganyan hihihi hindi ako basta2x nagbibigay at naniniwala. Hihihi
Pinadala nya sa Gcash mo sis? may pumasok naman ba sis sa Gcash mo? Minsan kasi kung anu ano ang mudos ng Scammer.. ingat lang sis kasi hindi mo sya kilala at di mo matandaan na nag met na kayo.. Sakali kung anu ano pa tanongin nya na personal data mo wag mo muna ibigay.. Hindi naman sa judgemental mabuti na ang mag ingat. 😊
True sis salamat sa concern. Pero pumasok sis kasi nag post ako ng fundraising sa efbe para sa mga medical needs ng aking kapatid for his fast recovery.
That's good sis ... she's heaven sent to you 😊