read.cash Log in
@XOperUs more from that month

Time check its 2am na! Grabe hindi talaga ako maka tulog hindi mawala sa isip ko ang gumagabagabag sa isipan ko huhuhu. Ganito kasi yun, yung friend ko na taga Luzon na pinilit ako pumunta dito sa kanila para mag organise ng wedding nya at maging wedding coordinator at mag design sa reception area nya ay may kaibigan syang designer, ngayon ko lang nalaman yun na andito na ako sa kanila. So kahapon narinig ko sila nag usap, ge loud speaker kasi nya ang cellphone habang nag uusap sila at syempre rinig na rinig ko ang boses ng kaibigan nya. Nag rearrange o nag linis kasi kami kahapon ni hubby sa rooftop nila kasi doon kami mag wedding reception at tinawagan nga ito ng bride kasi may hihiramin sya sa kanyang kaibigan na designer at tinanong nya ito kung ano ang design nya at etc. At yun na yun, sino ba naman ako pipitsugin lang compare to him. At kagabi mga 10pm nag open up sa akin si bride tungkol sa kanya kasi palagi nag send ng mga pictures ng mga designs nya so ano daw ibig sabihin nya? Sabi ni bride bago daw talaga sya lumapit sa akin ay how many times na daw talaga sya nag sasabi o nag lalambing sa kanya noon na sya mag design sa wedding reception niya pero everytime na sasabihin nya yun wala syang response na makukuha kaya sa isip nya wala syang mapapala sa kanya kaya ako nalang talaga nilapitan nya na tutulong sa kanya pamasahean nya nalang ako ng back in forth. So ngayon parang na conscious na tuloy ako kikilos mag decorate sa reception venue nya, baka kasi pag nakita nya ang gawa ko pag punta nya dito ay sawayin nya, bothered talaga ako hays,parang ayaw ko na kumilos at uuwi nalang ulit sa Cebu ahahaha. Pero sabi ni bride talaga gusto nya ako ang mag design kasi naiintindihan ko daw sya sa budget nya, pag yun daw kasi ang pagawain nya ay for sure makakagastos sya ng malaki, pag ako lang ay nakaka adjust lang ayun sa budget nya at kita din naman nya mga gawa ko sa page ko nagustuhan naman nya simple lang daw na maganda at higit sa lahat ay low budget lang yun lahat. Kung kailan andito na ako tsaka lang sya nagka interest na sya mag design diba? Sana noon pa ginawa nya yun kasi unang una ayaw ko talaga sana pupunta dito kasi ang hirap ng mag byahe ng walang sariling pera para pang pocket money na may kasama kang baby, dalawang beses ko na rin kasi inayawan si bride pero nag explain naman ako sa aking totoo na rason at naintindihan naman daw nya pero iba pa rin talaga daw na andito ako para mag organise sa kasal nya mura lang naman daw pamasahe sa plain kaya pamasahean nalang nya kami. Sabi ko kay bride na sya nalang talaga mag design kasi nagka interest na sya ngayon, ako nalang mag coordinate para organise pa rin ang intimate wedding nya. Ayaw naman ni bride gusto nya talaga ako lang. Mabuti nga diba mabawasan gawain ko kaso nga lang ayaw na ni bride na sya ang gagawa.

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.