Yung takot ka mag order online kasi baka pangit ang quality o ano paman ang rason na pwedi natin pag sisishan, pero super need ko kasi ng bag na magkasya ang payong, tubig at gamit ni baby pag aalis kami o mag simba. Merom naman ako bagpack na pang baby/mommy kaso sobrang laki lang at mabigat. Nag hanap ako sa shopee at may nakita akong tag 55pesos lang ito bago ko ge add to cart ay binasa ko muna halos lahat ng review about sa bag na ito, ayun satisfied naman ako sa mga nababasa ko at ayun nga pag dating ng bag, happy at satisfied ako sa price na 55pesos hihi,no regrets talaga kaya maganda talaga mag write review sa shopee yung honest kasi makakatulong tayo sa mga future buyers na hindi mag sisi sa huli.
11 comments
Anong tela nya sis cotton ba? Anong shop sis penge link?
Canva sya sis, tignan ko sis ha kung anong name ng shop na yun
Cge sis wait ko
Ito sis ang shop na na bilhan ko sa tote bag.
Parang yan nga ung naview ko sis kagabi pero tig 78 yta ung napili ko wla akong nakitang 55 pero ok na din kasi maliit lng naman shipping fee
Oo sis baka mas maganda aquality ng tag 78 sis kasi mas mahal kunti
Iba palanh shop sis, pero same lng ng mga designs dyan sa binigay mo, sana good quality din kasi ungbmga feedback eh magagamda
Ah, Oo sis maganda yan kasi magaganda nabasa mo na reviews.
Ay Ang cute sissy. True sis dapat talaga binabasa natin Ang reviews katulad dun sa I order ko na facemask may nabasa na ako na kulang raw Ng 3pcs per pack tinuloy ko pa Rin Kasi Isa Lang siya Ang nagsabi lahat puro ok na Ang review naku pagdating na stress talaga ako sa 5 pack na order ko lahat kulang Ng lima tas di pa sinunod Ang order ko hahah . Hassle pa Kung ibalik ko
Hihihi, isa lang din kasi nag reklamo sis ano kaya mapapa order din tayo eh.
KAya nga sissy baka Yung iba ay Hindi na binilang. Medyo matagal Rin Kasi nga mag bilang Ng 50pcs hahah