Dati nasa tyan pa baby ko gustong gusto ko na talaga mag gamit ng cloth diaper, noong lumabas na si baby nag order ako sa shopee ng cloth diaper nag taka ako umabot na ng 1 month hindi pa rin dumating dahil hindi ako masyado familiar sa shopee nag hanap talaga ako kung saan ko makikita kung nasaan na order ko. Nakita ko naka cancel order na dahil hindi daw ako ma contact ? Wala talaga akong maalala na may tumawag sa akin na rider o txt from J&T kasi ganyan naman binabantayan ko txt ng J&T pag may order ako sa isang online seller na may shopee check out. So ayun na nga simula noon na discourage na ako bumili sa shopee hahaha at simula noon naka decide na ako na mag disposable diaper nalang talaga. Pero 10 months ata si Exo binigyan ako ng preloved cloth diaper with maraming insert ng kaibigan namin tapos noong 1st birthday ni Exo binigyan ulit sya ng 4pcs brand new cloth diaper, simula noon na inlove na ako sa cloth diaper at ayaw ko na gumamit ng disposable diaper at nagpapa bili na ako sa kaibigan ko ng cd sa shopee sya na pina order ko hahaha. Nag dagdag ako ng limang piraso na cd. Yang suot ni baby sa picture ayan yung gift sa kanya noong birthday nya. #clothdiaperuserhere
No comments yet