Apple (Apam, Aton Exo's language) Lately nahilig si Exo sa apple mga moms dahil siguro nag ngingipin siya. Kaya kahapon apple ang pasalubong ng lola nya sa kanya. Natatawa talaga ako kasi hindi nya ma bigkas ang word na apple, noong una ang apple nya ay "apam" sobrang natawa ako kasi parang ang layo at naalala ko naririnig ko yan sa kalye na word tawag nila sa jowa nila na foreigner ay apam kaya natatawa ako kay Exo pag sinasabi nya apam instead of apple. Kahapon naman hindi na apam ang apple nya naging aton na naman hanggang ngayon, inulit ulit namin sa kanya ang apple "pol" ayaw pa rin nya sundin hahaha hinayaan nalang namin sya.
No comments yet