Food (biscuits, chocolate candies) is life talaga ang mga bata. Kaya panigurado masayang masaya sila nito bukas maka tanggap nito. Kulang pa daw to kaya may nag sponsor pa para dagdag hihihi. Convo namin ni sisinlaw ko kanina habang nagbabalot sa mga ito. Her: Ang sarap sa pakiramdam te nuh na mag balot ng ganito para sa mga bata, lalo pa siguro pag galing talaga sa atin ang pera pinangbili sa mga ito yung tayo mismo mamimigay sa mga bata. Me : Oo nga eh, kaso mahirap lang tayo, yung pera natin kulang pa sa mga pang araw araw na needs o pagkain natin. Us: Sige lang soon makakabigay din tayo ng sarili natin sa mga bata. Kakatapos lang namin nag balot, nagutom na ako hahaha, saing muna at ng maka pananghalian na rin.
6 comments
Para sa lootbag ba yan sis? Kakatuwa nga nung first bday ng anak ko, tuwang tuwa mga pamangkin ko kasi sila ang pinaglagay ko sa lootbag
Hindi sis, yan na talaga naka balot na ng Christmas warpper mga foods hihihi. Yan na pamigay sa mga bata
Ah, para sa mga bata na mamasko? Ganyan din kapatid ko dati kaoag magpapasko nagbabalot sya kendi para sa mga batang mamasko at mangangaroling
Para bukas sissy may Christmas party ang primary children namin sa church, nag volunteer ako mag balot ng pa give aways nila, binigyan lang ako budget sa pang give aways hihihi. Pasensya hindi na masyado detail sa post na ito kasi may post na ako nauna dito hihihi.
Ah ok sis, ndi ko nabasa ang first post mo haha
Hihihi ayos lang sissy. Magandang hapon sis.