Tulog mantika ang momma nyo hahaha. Grabe hindi ko talaga namalayan ang pinanggagawa ni baby Exo sa akin. Sabi ni hubby ginising daw ako ni Exo para pa buksan ang wafer, ayaw daw ako magising kaya nilagay nalang daw nya sa mukha ko. Bumalik ulit sya para pabuksan sa akin ang choco drink ayaw pa rin daw ako gumising kaya ayan iniwan nya nalang din. Tawang tawa daw si hubby at kinunan nya ng litrato ang hitsura ko. Ito talaga gusto ko eh pag day off si hubby nakakatulog ako ng mahabang oras, yung relax utak ko while nakapikit ang mata kasi may mag babantay kay baby. Pag weekdays kasi pag mag nap ako hindi relax isip ko kasi habang nakapikit busy ang utak ko kakaisip bala ma gising na si baby at mahulog sa duyan kahit alam ko naman na hindi yun mangyayari kasi nasa tabi lang namin nag work si hubby matignan nya lang si Exo din.
No comments yet