read.cash Log in
@XOperUs more from that month

Niabot akong team sa Talisay City Cebu, taga Cebu City ra me tanan. Hihihi. First time namin lahat guys hahaha, first time ko mag handle ng malaking kasal, I mean bonggang kasal hindi ko na kaya pag kami lang ni hubby kaya yung mga kaibigan ko na mga talented ni recruit ko sila na maging team ko ayun pumayag naman sila, syempre may talent fee yan sila lahat hihihi. Para maka tipid ang couple sa host yung husband lang ng kaibigan ko na ka team ko rin dito ang kinuha namin maging host sya yung naka dark blue polo dyan first time nya rin mag host sa ibang wedding kasi mostly mag host lang sya sa mga family gathering or event lang nila. Gulat ako sa pa intro ni Mr. Host hahaha nag hanap talaga ako/kami kung nasaan sya kaloka ang galing nya mag twist ng intro hihihi. Pero grabe ang tataba ng puso namin dito after ng kasal or wedding reception program hihihi. May pa add on payment pa sila sa amin kasi very satisfied daw sila sa serbisyo namin at nagulat ako pag tingin ko sa fb page namin nag feedback sila na nakakataba ng puso talaga. Wala lang guys napa kwento lang ako kasi na mis ko lang talaga hahaha hayaan nyo na ako. #throwbackphoto2019 #weddingcoordinator

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.