A senior and pwd father! I just wanna say thank you so much sa lahat ng nag bibigay ng pag mamahal sa aking tatay (father in law) Kahit alam nila na hindi sila nasusuklian ni tatay ng pagmamahal pero lagi ko pa rin kayo nakikita na nagbibigay ng pagmamahal sa kanya. Alam nyo ba kung bakit hindi sya nakakabigay ng pagmamahal sa inyo? Dahil kunti lang maintindihan nya sa tagalog at English kaya doon lang lagi sya pumapasok sa bisaya. At ang alam lang niya ay ang pag comment sa post doon at pag reply sa mga nag comment sa post nya. Kahit pag open ng notifications bar nalilito pa sya. Step by step ko lang sya tinuruan para hindi sya malito. Ngayon naman ang tinuro ko sa kanya ay tandaan at kilalanin niya mga nag comment sa mga post niya para pag makita niya kayo mag bigay sya ng pagmamahal sa inyo. Alam nyo masaya talaga sya pag may nakakausap sya dito. Lalo na siguro syang sasaya pag marunong pa sya mag tagalog at English para mas madami syang makausap. Kung may makita kayo na may post sya na tagalog, alam nyo na pina translate niya yan sa akin. Kaya pag may mag comment sa kanya ng tagalog rin tatawagin pa nya ako para maka reply sya. #GratefulHeart -gemeex #NoiseCash
No comments yet