Noong nag bakasyon kami sa probinsya sumakay kami ng van. Nakaupo na kami sa loob at may sumakay na may bitbit na box ng JCO donut. Tinuro nya sabay sabi na kek(cake) hanggang sa nakaupo na ang nag bitbit ng jco at ayaw tumigil kaka sabi ng kek at ang lakas ng boses nya na umiiyak kasi gusto nya talaga manghingi ng kek. Kahit anong pakiusap namin sa kanya ni hubby, bibigyan namin ng baon nya na snacks at saging na paborito nya at orange ayaw pa rin nya sasabihin nya lang na di(hindi). Hanggang sa binigyan nalang talaga sya ng isang donut at pagka bigay tumigil na rin sya sa pag iiyak at tinikman lang niya ito at mga dalawang minuto lang siguro mula pagka tanggap nya yan ay nakatulog na sya. Hihihi
1 comment
Have a very beautiful day sis.