Mga inay malaking tulong talaga sa atin mga ina ang mga educational videos sa yt ano? Itong flash card na ito isa ito sa binigay ng tita Ai ni Exo (friend namin) na mga educational materials. Tinuruan ko na sya nito noon pero isang beses lang yun at sobrang tagal na non. Pumunta si Exo dito sa kwarto dala dala ito at ako na busy kaka hanap buhay sa cellphone ko. Pinangalanan nya ang lahat ng sasakyan dyan sa card na yan at with tunog pa kada sasakyan. Halos lahat ng sasakyan sa larawan na ito kilala at alam nya bawat tunog nito. Ako na kunti lang time mag turo sa kanya sobrang natuwa at na amaze talaga sa baby Exo ko. So ngayon kung mapansin nyo hindi na ako masyado nag dadaldal sa mga comments and post nyo mga inay nag iiwan lang ako ng biyaya mula kay uncle N dahil I'm trying my best now to teach him and spend more time kay Exo kasi feeling ko hanggang every day routine lang ginagawa ko with him no more extra time na hahahah. I'm not perfect mother especially ngayon dami ko utang iniisip na kailangan mabayaran agad, alam nyo naman siguro ang pinag dadaanan ko dito mga inay hehe. Hindi kaya pag si hubby lang kasi pabayaan sa gastusin eh. Naaawa na rin ako sa kanya.
1 comment
Minsan ganun din ako sis, pero nakafocus akonsa knya sa hapon