read.cash Log in
@XOperUs more from that month

Ito yung kaibigan ko na hindi talaga nag babago kahit umangat na sa buhay nya. Noon mga teens pa kami, alam nya na super gusto ko magkaroon ng teddy bear kaya ge surprised nya ako. Noong nag staycation kami sa kanila mga 5 days din yun, grabe ang bongga ng mga pagkain namin, at lalo na yung last night namin eh food trip talaga, pina experience nya sa akin ang hindi ko pa na experience at nakain hehhehe. Pinasundo nya rin kami sa Taguig ng husband nya na galing pa sa work at 4am. Para maka tipid sa pamasahe kasi at hirap mag commute pag may baby at maraming dala. Noong may kanya kanya na kaming pamilya Kada magka emergency ako ng pera sya agad nalalapitan ko, pag may pera lang talaga sya diritso tanong talaga yan magkano ba at padala agad, ako naman nag bahayad din sa usapan na araw, kailangan i maintain ang trust para maka utang ulit pag magka emergency hehehe. Ma feel ko talaga ang sincerity ang genuine love nya sa akin, para bang tunay na kapatid. Kaya super grateful ako sa kanya. Ginala nya kami sa eastwood city at SM North Edsa, sa kanya lahat gastos sa pamasahe kasi papunta ng eastwood sumabay lang kami sa husband nya papuntang work, pag uwi nag commute na kami. Nag food trip din kami sa loob ng sm gastos nya rin, ako na nga nahihiya at a ayaw pero sasagutin lang ako na minsan lang naman to dear kaya go kana hehehe. Okay napa haba na ang kwento dito nalang muna hehehe. Basta gusto ko lang ipakilala sayo ang aking mahal na kaibigan. Hihihi

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.